Bilhin ang aircon na may mataas na Energy Efficiency Ratio (EER). Mas mahusay at mas matipid ang may mataas na EER. Itama ang kapasidad ng aircon sa laki ng kwartong palalamigin.
Ipalinis lagi ang aircon at filter nito upang hindi ma-overwork ang compressor.\r\n\r\nHuwag hayaang sumingaw ang lamig o pumasok ang mainit na hangin sa kwartong naka-aircon. Huwag itodo ang thermostat control. Patayin ang aircon kapag malamig na ang kwarto at hayaang ang blower na lang ang magpaikot sa lamig.