Magkaroon ng takdang araw sa isang linggo kung saan gagawin ang minsanang pamamalantsa. Mainam gawin ang pamamalantsa sa umaga kung kailan maliwanag at malamig ang panahon.
Unahing plantsahin ang makakapal at mabibigat na damit at ihuli ang maninipis upang ang natitirang init ng plantsa, matapos alisin sa saksakan, ay lubos na magamit.